Nasungkit ng Aklanon beauty queen na si Kathleen Sinag Paton ang korona sa prestihiyosong pageant na 2022 Miss Eco International ngayong Biyernes, March 18 sa Triumph Luxury Hotel sa Cairo, Egypt.

Nag first runner-up naman si Chloe Reweghs ng Belgium, second runner-up si Jassy Peralta ng USA, third runner-up si Lucia Morales ng Spain, at fourth runner-up si Prasana Shri ng Malaysia.

Bukod sa international crown, nabigyan din ng Best in Eco Video award si Kathleen.

May be an image of 1 person, sitting and standing

Hindi na rin bago sa larangan ng beauty pageant ang 24-year-old Australian-Filipino model dahil naipanalo na rin nito ang bansa sa Miss Teen International sa Bangkok, Thailand taong 2017.

Si Kathleen ang ikalawang Pinay beauty queen na nakasungkit ng Miss Eco International crown na unang napanalunan ni Cynthia Thomalla noong 2018.

Congratulations Kathleen! ✨

Instagram