Ang Pilipinas ang nanguna sa listahan ng “most times spent” sa pagpapanood ng mga pornographic videos sa Pornhub, at shockingly, gumugugol ng mas maraming oras dito ang mga babae kaysa sa mga lalaking Pilipino ngayong 2021, batay sa year-end report ng Pornhub.

Pagdating naman sa overall highest daily traffic, nasa ika-9th na pwesto ang bansa, kung saan ang United States ang nakakuha ng top 1 spot.

Pero, ang Pilipinas ang No. 1 sa listahan ng time spent per visit, na may average na 11 minutes at 31 seconds.

Ito pa, alam niyo ba na ang Pilipinas lamang ang nag-iisang bansa kung saan mas maraming babae ang bumibisita sa website kumpara sa mga lalaki na 52% versus 49%.

Demographics and Devices

Sa bansa, karamihan sa mga bumibisita sa site ay nasa edad 18-24 na nasa 37%, sinundan ito ng 25-34 na 29%, pagkatapos ang 35-44 na nasa 15%, at 45-54 na 9%.

Ngayong 2021, mas ginagamit pa rin ang mga mobile devices kung saan 86% ng traffic ng Pornhub worldwide ay mula sa mga mobile devices.

Sa Pilipinas, 74% ang gumagamit ng smartphone habang 22% naman ay nanonood sa dektop.

Most Searched Category and Term

Samantala, ang “most viewed category” ng porn ng mga Pinoy ay “Japanese.” Ito rin ang category na most viewed worldwide.

Habang ang “most searched term” sa Pilipinas ay nanatili pa ring ‘pinay’, pero may ilang mga terms na first time pa lang nag-apppear sa top 10 ng most searched term, tulad ng ‘korean’ (+9), ‘asian’ (+23) at ‘anime’ (+12).

Ang trending searches naman para sa taong 2021 ay ‘threesome pinay’, ‘hentai anime’ at ‘Rule 34’.

Overall, ang “most searched term” ngayong taon worldwide ay “hentai,” kung saan kabilang ito sa top 10 most searched term ng halos lahat ng bansa nitong 2021, at ang “hentai” ang No. 1 sa US, Pornhub’s biggest audience.

Pero kumpara sa rest off the world, ang mga bumibisita sa site mula sa Pilipinas ay +286% more likely to view the Hentai category, +134% naman sa Romantic videos at +111% sa Cartoon.

Instagram