Ang half Filipino-Canadian na si Erika Casupanan (32), ang nagwagi sa Season 41 ng reality series, “Survivor,” ng CBS.

Ayon sa Entertainment Weekly report noong Miyerkules, si Erika ang nanalo matapos makakuha ng 7-1-0 vote mula sa jury, nag-resulta ito sa pagkatalo nina Deshawn Radden at Xander Hasting.

Bukod sa pagiging pinaka-unang Canadian na naka-sungkit ng title na “Sole Survivor,” siya rin ang pinaka-unang babae na nanalo sa kumpetitisyon matapos kay Sarah Lacina noong Season 34.

“I must be a witch [because] I just broke a curse,” sulat ni Erika sa Twitter na may hashtag #Survivor41.

May dugong Pilipino, at magaling talaga sa mga diskarte ang mga Pinoy, congrats Erika!

Sa naunang panayam, sinabi ni Erika na pangarap niya talaga maging bahagi ng kumpetisyon, at proud siya na na-represent ang Canada at ang mga Filipino women.

Ang “Survivor,” na nagsimula noong 2000, ay isang reality competition kung saan ang mga castaways ay dapat mamuhay at matutong mag-survive habang nakatira sila sa isang isolated na lugar. Ang host ng show ay si Jeff Probst.

📷 @erika_cas Instagram

(GMA Network)

Instagram