Engaged ni si Aubrey Miles sa kanyang longtime partner na si Troy Montero matapos ang 18 taong pagsasama.

Inanunsyo ito ni Troy sa Instagram kalakip ang mga behind the scene photos nilang nakasakay sa kayak sa Boracay.

“Together 18 years, Engaged 8 hours… Here’s to Forever with you!,” caption ni Montero sa Instagram.

March 16, nang magdiwang ng kanyang 42nd birthday ang aktres sa isla.

Sinabi rin nito na maninirahan sila ng isang buwan sa Boracay para iparanas sa kanilang mga anak ang island life.

Instagram