Ilang buwan nang kinukumbinsi ng Kapamilya young actress at social media influencer na si Andrea Brillantes ang kanyang BBM Supporter boyfriend na si Ricci Rivero na mag-convert sa Tropang Angat.

Sa video ng isang entertainment YouTube channel, natanong ang first-time voter na si Andrea tungkol sa kanyang bf na hayagang sumusuporta sa katunggali ni VP Leni na si dating senador Bongbong Marcos.

“I am trying. ’Wag kayong mag-alala. I’m trying like ilang months na,” aniya.

Iginiit ng aktres na nirerespeto nilang dalawa ang kani-kanilang desisyon na suportahan ang magkaibang kandidato.

“He supports me supporting Leni [Robredo] at sobrang na-appreciate ko na ‘yun,” dagdag pa niya.

Pero, umaasa pa rin si Andrea na makukumbinsi niya si Ricci na kagaya niya ay maging tagasuporta ni Robredo.

“Lagi niyang sinasabi, I support you, supporting Leni. Sabi ko, in the future tatanggalin mo ’yung ‘you.’ Sasabihin mo nang ‘I support Leni,” sabi ni Andrea.

“‘Yan ang aking goal pero nirerespeto ko siya kasi nirerespeto niya rin ako. ’Yun naman yung importante. Kahit magkaiba kami ng paniniwala at gusto, pero may respeto pa rin kami sa isa’t isa, pero I’m trying pa rin,” natatawang pahayag nito.

“May chance yan, ate ko nga ,e dyowa niya na-convert niya din, e…wag nating isara. May chance yan. Saka hindi lang mga boyfriends, pati mga nanay, kuya, ate… lahat ng mga kakilala mo,” pagtatapos niya.

Instagram