Isa ang anak ni BBM na si Sandro Marcos sa mga matatalik na kaibigan ni sexy actress Barbie Imperial na na-prank sa kanyang latest vlog.

Sinubukan ni Barbie na i-prank ang kanyang mga kaibigan na kailangan niya ng matitirahan dahil nag-away sila ng nanay niya.

“Explain ko lang sa inyo kung ano ‘yung gagawin ko. So sasabihn ko sa mga kaibigan ko na nag-away kami ni Mama dahil inamin niya na sa’kin na ampon talaga ako. Pero eto, guys, medyo believable kasi hindi ko talaga kamukha ‘yung mom ko.” sey ni Barbie.

Sinabi pa ng aktres na kinakabahan siya na i-prank si Sandro dahil mataas ang respeto nito sa kaibigan, “Okay guys, ito yung pinaka kinakabahan ako na i-prank kasi siyempre friend ko to and respect. Sandro Marcos, one of my closest friends.”

Dito na niya sinimulang tawagan ang kaibigan, “Sa’tin lang ‘to ah kasi wala pang may alam, as in wala sa friends natin may alam. Adopted ako. Kanina lang sinabi sa’kin ng nanay ko. So, ngayon umalis ako ng bahay, kaya ako tumatawag kasi magso-solo na ako e. Pwede ba akong makitira diyan sa inyo? Can you help me?”

Kinomfort naman ni Sandro si Barbie at sinabing pwede siyang mag-say sa kanilang guest room.

“You can stay in the guest room, sa amin, pwede,” ani Sandro.

Di naman makapaniwala si Sandro nang sabihin ni Barbie na prank lang iyon.

“You’re so annoying! Kulet! Oh my god! I hate you!” sabi pa niya.

Sagot naman ni Barbie, “It’s for my vlog. Thanks! You’re gonna let me stay. Grabe, ang bait. Guys, ang bait ni Sandro. Sobrang bait ng kaibigan ko na to.”

Bukod kay Sandro, naprank din sina Chie Filomeno, Michelle Vito, Ana Vicente, Tony Labrusca, at Carlo Aquino.

PANOORIN:

Instagram