Hindi na nakapagpigil si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez at nagsalita na tungkol sa hiwalayan nila ng ex-girlfriend na si Kate Jagdon matapos ang tatlong buwan.

Para linawin ang mga fake news hinggil sa kanilang break-up, nagpaliwanag ang beauty queen sa social media.

Sa isang mahabang post, ibinuking ni Bea na ilang beses siyang niloko ni Kate habang sila ay magkarelasyon.

“When I was on my way to the MUPH competition, after a series of confrontations, I learned that she’d already been entertaining a person named Adam for over a year during our relationship,” aniya.

“She’s made out with someone, made a move on other girls, and have been going out more often than usual that there were even times she wouldn’t come home for days. I wouldn’t know where she was or who she was with. I didn’t recognize her anymore and things began to change.”

Pinagsabihan na rin daw siya ng mga friends niya pero patuloy pa rin niyang ipinagtanggol si Kate.

“People warned me about what she’s been doing and yet I continued to defend her and even tried to make it work,” sey pa ni Bea.

Gusto raw sana niyang manahimik na lang pero pati ang kanyang pamilya ay naaapektuhan na ng panghaharass ng mga fake accounts sa social media.

May be an image of text
May be an image of text
May be an image of text

Pero sa kabila ng mga ito ay wala naman raw pinagsisisihan si Bea at minahal niya ito sa mahigit anim na taon nilang relasyon.

“I did love her. I don’t regret anything in the six years that we’ve been together. I loved her until the last day I was with her,” saad pa niya.

“We both deserve to be happy…genuinely happy.”

Kinumpirma ni Kate ang kanilang hiwalayan noong Nobyembre ng nakaraang taon pero hindi na nito sinabi kung ano ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Nasungkit ni Gomez ang korona sa Miss Universe Philippines competition, September ng nakaraang taon at siya ang kauna-unahang LGBTQ+ na nanalo sa beauty pageant

Photo Courtesy: Beatrice Gomez,Kate Jagdon/IG

Instagram