Sa halip na magalit at patulan ang basher, sinakyan ni Kapamilya actress Sue Ramirez ang isang body-shamer.

May isang basher kasi na “minaliit” ang kawalan niya ng dibdib sa isang Instagram post na may bikini photos mula sa kanyang beach trip sa Amanpulo.

Komento ng isang social media user, “Kaya pala sbi nya minsan d cya nagsusuot ng bra now I know plywood pla ito na back to back.”

Kwelang sagot naman ni Sue, “O diba? Dagdag labahin lang.”

sue ramirez

Tila sanay at manhid na ang aktres pagdating sa pangungutya ng mga bashers.

Bawing-bawi naman kasi ito sa mga papuri mula sa mga kapwa celebrity at supporters

Noong 2018, inulan din si Sue ng batikos dahil sa pagpost ng swimsuit photo sa social media.

Instagram