Agaw pansin sa social media si Xyriel Manabat dahil sa kanyang bagong update sa kanyang official Facebook account.

Ibinahagi ng former childstar ang mga larawan ng pagpapa-dermal piercing niya sa mismong gitna ng kanyang dibdib.

Mabilis naman itong umani ng atensyon at komento mula sa mga social media users na nagulat sa transformation ng dalaga.

Makikita kasi na dalagang-dalaga na talaga si Xyriel at malayong-malayo sa nakasanayan ng mga manonood mula sa kanyang mga dating palabas.

Image: Xyriel Manabat/Facebook

Ayon sa post ng dalaga, noong December pa niya balak na magpahikaw sa dibdib pero naudlot ito.

“Thank you po sa pagtiyaga sa kadaldalan ko Don Antonio love ko po kayoPaid using LYKA GEMS!!!” bahagi pa ng caption ni Xyriel.

Ang dermal piercing ay isang proseso nang pagtatanim sa balat ng mga gems stone, pearls at iba pang beads.

Instagram