Nagbabakasyon ngayon si Camille Prats Yambao at ang kanyang pamilya sa Boracay Island.

Sa Instagram, proud na ipinasilip ni Camille ang kanyang bikini body habang ine-enjoy ang ganda ng isla.

“Happy to be back on this island. major ggss photos when you swipe left,” caption ni Camille sa post.

Sa hiwalay na post, makikita naman ang braid hair ng “Mars pa More” host habang naka two-piece lavender swimsuit.

Ilang celebrity friends naman ng Kapuso host ang nabighani sa kanyang ganda.

Instagram