Umiikot ngayon ang break-up rumors ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana tatlong buwan palang matapos ang kanilang kasal.

Mabilis na kumalat ang kuwentong hiwalay na raw ang mag-asawa dahil maraming nakapansin na nag-unfollow ang dalawa sa Instagram ng isa’t-isa.

Kapansin-pansin din raw na wala ng couple photos sa kani-kanilang IG accounts ang showbiz couple lalo na sa unang holiday season nilang mag-asawa.

Ikinasal sina Tom at Carla sa Tagaytay noong October 23, 2021 pagkatapos ng pitong taong relasyon bilang magkasintahan.

Habang sinusulat ang balitang ito, wala pang pahayag o komento ang mag-asawa tungkol sa nabanggit na isyu. MAS/TodoMag

Instagram