Kinumpirma na ni Barbie Imperial na hiwalay na nga sila ni Diego Loyzaga.

Nitong Disyembre, naging laman nang usap-usapan ng mga Marites ang tungkol sa hiwalayan ng dalawa matapos mapansin na walang larawan ang dalawa na magkasama sa lumipas na holiday season.

Sa isang panayam, inamin ng aktres ang kanilang hiwalayan pero hindi na niya ito dinitalye.

Aniya pa, kayasiguro paulit-ulit na lang na nangyayari sa kanya ay dahil baka hindi niya minahal ang kanyang sarili.

“Natutunan ko na baka kaya pauli-ulit na nangyayari sa akin ‘to kasi hindi ko minamahal yung sarili ko. Kasi it’s like all the same stories each boyfriend, so for me, parang what if ibahin ko ngayon? Sarili ko naman ang mahalin ko?” sey niya.

Unang isinapubliko ni Barbie at Diego ang kanilang relasyon noong Enero 2021

DIEGO LOYZAGA AT BARBIE IMPERIAL, BREAK NA NGA BA?

Instagram