
LIVE. LAUGH. LOVE!
Isinapubliko na ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang relasyon sa Kapuso actor na si Jeric Gonzales.
Sa Instagram post ng beauty queen-turned-actress nitong Miyerkoles ng gabi, March 16, 2022, makikita ang ilang sweet moments nila na kuha sa Bohol.
Kitang-kita rin ang tamis ng ngiti ng dalawa habang nakatitig sa isa’t-isa.

“Live. LOVE. Laugh. Thank you, Eric,” maikling caption ni Rabiya.
Nireplyan naman ito ni Jeric ng “I love you”.
Nagkatrabaho ang dalawa sa “Wish Ko Lang” episode noong nakaraang Nobyembre.