Itinanggi ni Dawn Chang na binura niya ang kanyang mga post sa Facebook.

Ayon kay Dawn na-hack ang kanyang FB.

Nitong February 16, 2022, sinagot ni Dawn ang isang netizen na nagsasabing binura na niya ang kanyang mga previous post tungkol sa kapwa host actress na si Toni Gonzaga.

Netizens: “Sadly.. Dawn took down some of her posts. Sana she wont feel down. As in walang nagtatanggol sa kanya sa mga kampon. [crying emoji] di nila kaya mga gaya ni angel locsin or angge. So they bully the others.”

“I didn’t. My facebook was hacked and cannot be found. We are working on it,” sagot naman ng Former GirlTrends member.

Nagsilbing host ng campaign rally ng UniTeam si Toni kaya naglabas ng pahayag si Dawn na hindi sya nasiyahan sa ginawa ng kapwa Kapamilya actress.

May iba-iba namang opinyon ang mga netizens tungkol dito. Ang iba ay sang-ayon kay Dawn at may mga kumampi naman kay Toni.

Instagram