Proud na flinex ni Dawn Zulueta ang kanyang binatang anak na si Jacobo Antonio Lagdameo sa Instagram.

Makikita sa post ni Dawn ang litrato ng anak na nakasuot ng black suit, blue tie at white dress shirt.

“Junior Prom,” caption ng aktres with matching hashtags na #proudmama at #iloveyoujacobo.

Si Jacobo ang panganay na anak ni Dawn at mister na si Antonio Lagdameo Jr.

Ikinasal si Dawn kay Antonio Lagdameo Jr. at nabiyayaan sila ng dalawang anak na sina Jocobo Antonio Lagdameo at ang bunso na si Ayisha Madlen Lagdameo.

COURTESY: dawnzulueta/IG

Instagram