Tila naka-move on na si Diego Loyzaga sa hiwalayan nila ni Barbie Imperial.

Sa digital conference ng pinakabago niyang pelikula sa Viva Films na “Adarna Gang”, natanong ang aktor kung kumusta na siya ngayon.

Aniya, nasa breaking point na siya ngayon at saka tumawa.

“I’m in a very good point. I’m loving my job. I’m loving my career. I’m happy and I had the best vacation of all time. It was so good. I love the States and you know I had plans prior to 2022.

Matatandaang lumipad si Diego sa Amerika para sa sa much-needed vacation at doon nag-celebrate ng holiday kasama ang mga kamag-anak.

Aniya napag-isip niya kung ano talaga ang mga gusto niya habang nasa ibang bansa siya.

“Well, you know in life sometimes not everything goes to plan so I have to re-assess. I had to see where I want to go again now that things have changed. What I’m gonna do, where I’m working for, what I’m doing all these for like one-year plan, two-year plan, five years (from) now what I’m gonna be,” kuwento ng aktor.

Chika pa niya, “I feel like a new me, although physically right now I feel sick. I don’t know, I guess it’s the jetlag. I got sipon and a cough but aside from those physical things my mind is in the right place, my heart is in the right place and I am a very happy guy, so, everything’s good.”

Nanaig sa aktor ang pagmamahal sa pag-acting at bumalik sa bansa para sa pelikulang “Adarna Gang” na ipapalabas na sa March at sa mga nakaabang pang maraming proyekto.

Instagram