Nagpost ng maternity photos ang aktres na si Dimples Romana kasunod ng pag-anunsyo sa kanyang pagbubuntis sa ikatlong anak nila ng mister na si Boyet Ahmee.

Sa pamamagitan ng Instagram post, kasama ag asawa at mga anak na si Callie at Alonzo, inimbitahan ng aktres ang mga fans na panoorin ang kanyang Facebook live para sa isang big revelation.

Kahapon naman, March 18, ibinahagi nga ni Dimples na magiging lima na sila sa pamilya kasabay ng paglabas ng mga larawan ng baby bump sa IG.

“Dimples Romana, mother of 3. Happy International Women’s Month,” caption nito.

Sa hiwalay na post, makikita naman ang litrato ni Dimples na nakasuot ng 1930’s true vintage lace dress at humihingi ito ng name suggestions sa mga netizens kung ano ang magandang ipangalan sa kanyang baby number 3 na tinatawag niya ngayong “Baby E”.

“Mommy heart at its FULLEST. Thank you baby E. Name suggestions please,” sulat ni Dimples sa caption.

Instagram