Sa kauna-unahang pagkakataon, flinex ni Erich Gonzales ang kanyang wedding ring sa Instagram.

Ilang buwan na ang nakalipas mula nang ikasal ang aktres sa kanyang asawang si Lorenzo Mateo pero ito ang unang pagkakataon na ipinakita niya ang singsing.

Sa isang larawan na nakapost sa Instagram, makikitang nakangiti si Erich habang nakaupo sa isang bamboo sofa, kitang-kitang rin ang singsing na suot nito.

https://www.instagram.com/p/Cd4mlP6PV_b/

Napanatili ni Erich ang kaniyang private life sa kabila ng maraming ingay sa social media.

Huling napanood si Erich sa teleseryeng La Vida Lena. Read more: https://kami.com.ph/entertainment/celebrities/143026-erich-gonzales-nagbahagi-ng-picture-niya-suot-ang-kanyang-wedding-ring/

Instagram