Ipinasilip ni Herlene “Hipon Girl” Budol ang kanyang pinaghahandaang pageant walk para sa Binibining Pilipinas 2022.

Sa Instagram, ibinahagi ng komedyante at dating Wowowin host ang maikling video ng kanyang pagrampa suot ang mataas na heels.

“Mga Hiponatics, ito ‘yung basic rampa ni Hipon Girl niyo. Malapit ko nang i-reveal ang pangalan ng signature walk ko!” caption niya.

Opisyal na nakapasok si Herlene bilang isa sa 40 kandidata ng Binibining Pilipinas nitong nakaraang buwan

Ang Binibining Pilipinas grand coronation night ay gaganapin sa Hulyo 18 sa Smart Araneta Coliseum

COURTESY: Herlene Nicole Budol/Tiktok

Instagram