Sinurpresa ng showbiz couple na si Jason Abalos at Vickie Rushton ang mga fans nang ianunsyo na engaged na sila.

Parehong nagpost si Jason at kanyang beauty queen girlfriend na si Vickie sa Instagram para sabihin na nakatakda na silang magpakasal.

Sa post ni Mutya ng Pilipinas International 2011 titleholder nitong June 2, makikita ang larawan na nakayakap siya kay Jason habang naka-flex ang kanilang engagement ring.

“So, Baba and I have been keeping a little secret… When the time is right I, the Lord, will make it happen,” caption nito.

Pinost rin ni Jason ang parehong larawan na nilagyan niya ng caption na, “Habambuhay ko pasasalamatan ang Panginoon sa buhay mo Baba. Patugtugin na ang kampana! 9/1/21 she said ‘syempre’.”

Nagkakilala ang couple sa Bacolod City halos 12 taon na ang nakalipas sa MassKara Festival.

Instagram