Bago tumuntong sa edad na 30, ibinalandra ni Jessy Mendiola ang kanyang kaseksihan sa sa isang cowgirl-themed photo shoot.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng aktres ang mga larawan na suot ang isang kulay puting two-piece swimsuit, boots at cowboy hat na nagkumpleto ng kanyang sexy cowgirl look.

“It’s been a long time since I had a photo shoot like this. Last hurrah before I turn 30 this year!” caption ng sexy actress.

Pinasalamatan din ni Jessy ang kanyang production team na aniya’y nagpalakas ng kanyang loob na ipost ang mga larawan.

Matatandaan na December 2021 nang magdiwang ang aktres ng ika-29 na kaarawan.

Kaya bago mamaalam sa kanyang twenties, nagpasya itong gumawa ng isang sexy photoshoot.

jessy mendiola sultry cowgirl photoshoot
PHOTO BY ANDREA BELDUA
jessy mendiola sultry cowgirl photoshoot
PHOTO BY ANDREA BELDUA

Instagram