Balik-kulungan si Kapamilya comedian Mark Joven Olvido ilang buwan lang matapos makalaya.

Muling nasakote si Olvido sa buy bust operation kagabi sa Brgy. Duhat, Sta. Cruz, Laguna.


Nakuha ng poseur buyer kay Olvido ang shabu na nagkakahalaga ng P500.

Bukod dito, nakumpiska din sa posisyon ng talent-search personality ang P85,000 na halaga ng pinaghihinalaang iligal na droga.

Ayon sa mga otoridad, matagal na nilang tinitiktikan ang komedyante nang malaman na muli itong bumalik sa iligal na gawain.

Una siyang nadakip noong May 14, 2021 habang namamasada ng tricycle sa Sta. Cruz, Laguna.

Pero sandali lang siyang nakulong dahil sa plea bargaining agreement na naganap.

Paglabag sa Article ll ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa kanya pero posibleng hindi na siya makapagpiyansa dahil sa paglabag sa plea bargaining agreement.

Si Olvido ay sumali sa Pilipinas Got Talent Season 6 at naging third runner-up, napanood na rin siya sa longest running tv series ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano.

(Photo source: Twitter – Dennis Datu / Youtube Screengrab – Pilipinas Got Talent)

Instagram