Engaged na si Maja Salvador sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Rambo Nuñez.

Inanunsyo ito ng aktres via Instagram nitong Linggo.

“My new beginning @rambonunez,” maikling caption with matching ring at heart emoji.

Hindi pa malinaw kung saan na-engaged ang dalawa pero magkasama sila nitong nakaraang linggo sa El Nido, Palawan.

Unang naging magkasintahan ang dalawa noong 2010 pero kalaunan ay nagkahiwalay para sa kanilang mga career.

March 2019 nang kumpirmahan ng aktres na nagkabalikan na sila ng dating kasintahan.Congratulations, Maja and Rambo!

Instagram