Tumataginting na P349 million o katumbas ng $6, 682,425 million ang halaga ng ibinebentang mansyon ni Zsa Zsa Padilla sa Makati.

Ang U-shaped mansion ni Padilla at ng asawang si Conrad Onglao na isang architect ay matatagpuan sa San Lorenzo Village.

SI Onglao ang mismong nagdisenyo ng mansion na may lapad na 1,386 square meters.

Hindi pa rin ito nabibili simula ng mainlist sa isang luxury market place na JamesEdition noong February 2019.

Inilarawan ang all-white mansion na, “blank white canvas subtly highlighted by select art pieces & contemporary furnishings.”

Ilang beses na rin itong nagsilbing background sa mga virtual concert ng singer-actress noong pandemic.

COURTESY: JamesEdition

Instagram