Nag-celebrate ng kanilang 2nd wedding anniversary ang mag-asawang sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo nitong Linggo.

Kaya sa kanyang Instagram, nagpost ng maikling mensahe si Matteo para sa singer.

“Through thick and thin and all the ups and downs, we will be partners for life. I love you, my beautiful wife! You’re the best. Happy second year anniversary!” caption ng aktor.

Nag-iwan naman ng pagbati ang kanilang mga celebrity friends sa comments section, kabilang si Iya Villania, Miles Ocampo, Angel Locsin, Tim Yap, Alex Gonzaga at iba pa.

Bukod dito, ipinagluto rin ni Sarah si Matteo ng sinigang na hipon na ibinahagi rin ng aktor sa kanyang Instagram stories.

Matatandaang naging kontrobersyal ang kasal ng dalawa noong February 2020 dahil sa umano’y “Divine Intervention” na nangyari o paghahadlang ng ina ng singer sa kasal..

Instagram