Inamin na ni Paolo Contis ang tunay na relasyon nila ni Yen Santos.

Napaamin si Paolo na sila na nga ni Yen sa interview ni Boy Abunda sa “Fast Talk With Boy Abunda”.

Pero nilinaw ng aktor na walang kinalaman si Yen sa hiwalayan nila ni LJ.

“Tanong ko sa’yo ngayon, si Yen Santos ba talaga ang dahilan ng paghihiwalay ninyo ni LJ?” tanong ni Boy Abunda kay Paolo.

Sagot naman nito, “Somehow, medyo matagal na kaming hindi okay ni LJ… Napapadalas ‘yung away away. I think it’s kung baga combination na ng stress sa pandemic and everything. One of my biggest mistakes was hindi ko inalala ‘yung mental health ni LJ. Isa ‘yan sa feeling ko naging simula ng downfall namin, na hindi ko inisip ‘yon. Kapag nahihirapan siya during pandemic, ang utak ko, alam mo yon, yung ‘4 times a day tayong kumain. Chill ka diyan.’ Which was one of my biggest mistakes.”

Sinabi rin niya na wala na sila ng dating partner na si LJ Reyes nang mag-trending sa socmed ang Baguio trip nila ni Yen.

“Yung as a friend, nu’ng nag-Baguio kami ni Yen, nasa States na sina LJ noon. Nagmukhang baligtad kasi your interview with LJ came out pero wala na kami sa Baguio nu’n. So ang feeling ng tao, habang ini-interview mo si LJ, nasa Baguio ako. Pero when you were interviewing LJ, at least 10 days na silang nasa States. I left for Baguio, nasa States na sila. Hindi na kami no’n,” sey niya.

PHOTOS: Paolo Contis/Instagram

Instagram