Tila uminit ang ulo ng komedyanteng si Marietta Subong o mas kilala bilang ‘Pokwang’  sa isang basher na tinawag na “panget” ang kanyang anak na si Malia.

Nag-ugat ito nang mag-post si Pokwang ng video ng apat na taong gulang na si Malia sa Instagram.

“I’m smart, I’m Malia, and I’m so beautiful, smart… I’m Malia,”pagmamalaki ng bata.

Tumutol naman dito ang isang netizen at tahasang sinabi na habang lumalaki ay pumapanget ito gaya ng kanyang ina.

“Habang lumalaki pumapanget gaya ng nanay. Sana wag mamana ugali ng nanay na panget din,” saad nito.

Bilang isang ina, pinagtanggol niya ang walang kamuwang muwang na anak, “Ok nurse ka pala? Noted this see (you) in court bullying innocent child ok.”

“Ganon talaga aatakihin tayo ng mga palamunin na trolls nayan haha ayaw nila mag wagi ang katotohanan at kahit batang paslit idadamay waaaa pangit daw si Malia???? Haaa??e ano pa kaya itsura nila??? Bwahaha mga langib sa sugat ng bayan! o pang pelikula deba?? magandang title.”hirit pa ng komedyante.

Nagbanta si Pokwang na sasampahan niya ito ng kaso sa mga susunod na araw sa National Bureau of Investigation.

Instagram