Napahanga si retired Political Science Professor Clarita Carlos kay senatorial frontrunner Robin Padilla.

Si Carlos ay dating propesor sa University of the Philippines at si Padilla naman ay isang aktor na kilala bilang “Bad Boy” at “Prince of Action” ng Philippine cinema.

Nakuha ni Carlos ang atensyon ng media matapos magsilbing isa sa mga panelist ng SMNI presidential debate

Sa isang interview, hindi napigilang mapahanga ni Carlos kay Padilla dahil kahit aniya kulang sa preparasyon ang aktor sa kanyang pagtakbo ay nakuha pa rin nito ang puso ng mga botante.

“I was pleasantly surprised with Robin Padilla,” ani Carlos.

Ayon kay Carlos na ang constitutional reform na isinusulong ni Padilla ang naging dahilan para manalo ito sa halalan.

“Ang galing niya, napanood ko siya noong ini-explain niya ‘yung tungkol sa federalism saka parliamentary government, he was amazing you know,” saad pa ni Carlos.

“I think ‘yung mga nagmamaliit sa kanya na ‘artista lang’ I think we should listen to him explain why we need constitutional reform,” dagdag pa niya.

Inaasahan ni Carlos na isusulong ng aktor ang pederalismo sa susunod na administrasyon.

Instagram