Hot topic pa rin ngayon sa social media ang tila love triangle na kinakasangkutan ng mga young Kapamilya Stars na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz at Seth Fedelin.

Ito ay dahil sa pag-unfollow ni Andrea at Francine sa Instagrams a isa’t-isa dahil sa umano’y love triangle.

Marami tuloy sa kanilang mga fans ang nagpaparinigan, pero meron din naman na gustong magkaayos na sila.

Isa sa mga nagnanais na magkaayos na sila ay ang talent manager na si Ogie Diaz.

Chika ni Ogie, normal lang na pagdaanan nila ito dahil lahat ng mga sikat na tambalan noon ay nagkaroon din ng bangayan pero sa pagdaan ng panahon ay naayos naman.

Pabiro pa nitong sinabi sa kanyang Youtube vlog na kaya raw pinag-aagawan si Seth ay dahil ‘daks’ ito ayon sa kanyang source.

Aniya pa, hindi naman daw ito kataka-taka dahil may lahi rin na Amerikano ang 19-anyos na aktor.

Naiipit ngayon ang aktor sa isyu na dawit ang ka-loveteam na si Andrea Brillantes at Francine Diaz.

MAS/TodoMag

Instagram