Hindi pasado sa showbiz columnist na si Cristy Fermin ang Vacting skill ng Viva actress na si Nadine Lustre.

Muli na naman kasi nitong binanatan ang aktres sa kanyang radio program na ‘Cristy Fer Minute’ nitong Nobyembre 10.

Nagbabalik pelikula na kasi ngayon si Nadine at magiging katambal nito sa pelikulang Greed ang aktor na si Diego Loyzaga.

Banat ni Fermin, kailangan ni Nadine na mag-workshop dahil baka hindi ito makapantay sa galing ni Diego.

“Ang galing ni Diego Loyzaga, baka siya ang hindi makapantay.

“Ayoko pong magsinungaling, paano ko naman huhusgahan ang acting ni Nadine Lustre, eh, hindi ko naman siya pinapanood, at hindi ko siya napapanood, at wala akong planong panoorin siya,” ani Fermin.

Wala rin daw siyang natatandaang markadong pag-arte ni Nadine kahit noong katambal pa niya si James Reid.

“Dati nasisilip ko ‘yung sila ni James Reid, nasisilip ko siya do’n pero wala akong natatandaang markado. Ang sabi nga ng mga hindi niya fans, mag-workshop ka muna!” banat pa ni Cristy.

Bago ito, may pahaging din si Nadine sa social media na sa palagay ng mga netizens ay para sa showbiz columnist, matapos nitong sabihing magtapi siya.

Samantala, kung titingnan ang track record ni Nadine, masasabing award-winning actress na siya sa larangan ng pelikula, telebisyon, musika, at popularidad.

Minsan nang naging nominado sa FAMAS, Gawad Urian, PMPC Star Awards for Movies, Guild of Educators, Mentors, and Students Hiyas Ng Sining Awards, Young Critics Circle, EDDYS Awards, at Asian Academy Creative Awards.

Ilan sa mga ito ay naipanalo na rin ng aktres.

Instagram