Hindi mo aakalain na nasa 50’s na pala sila Kuya Kim at ang kanyang asawa sa kanilang fit na fit na katawan.

Ibinahagi ni Kim Atienza, o mas kilala sa tawag na Kuya Kim ang kanilang larawan ni Felicia Atienza sa Instagram.

Sa larawan, kitang-kita ang toned beach bods ng mag-asawa habang sila’y nasa ilalim ng sikat ng araw sa isang beach sa Amanpulo, Palawan.

Fierce na fierce ang kanilang itsura na may matching blue swimsuits pa. Agaw pansin rin ang abs at muscles ng mag-asawa.

“Kuya Kim, puwede ka na huminga in 3..2..1,” pajoke ni Kuya Kim, “Let me humble brag that Feli is 52 and I’m turning 55,” sulat niya sa caption.

Pinapatunayan lang na age is really just a number.

Punong-puno ng mga fire emojis ang comment section mula sa mga netizens na napahanga at napa-wow kung gaano ka-healthy ang mag-asawa.

Kabilang din sa mga nag-comment sa larawan ang iba pang mga fit celebrities tulad nila Geneva Cruz, Bubbles Paraiso, Ryan Agoncillo, at Bianca Gonzalez.

Parehong mga athletes sina Kuya Kim at Felicia. Ibinabahagi nila sa kani-kanilang Instagram accounts ang kanilang iba’t-ibang active lifestyles.

Nagpakasal ang dalawa noong 2002 at mayroon silang tatlong anak, Jose, Eliana, at Emmanuelle.

📷 @kuyakim_atienza Instagram

(GMA Network)

Instagram