Pinasaya muli ng comedy queen na si Aiai Delas Alas ang mga netizens nang mag-dress up siya ng tulad ni Elsa habang kumakanta ng “Let It Go.”

Sa kanyang TikTok video, makikita na nagsuot si Aiai ng isang sky-blue long dress at may braided white wig tulad ng beloved princess character ng Disney Movie na Frozen.

Nag-lipsync performance ang komedyana ng iconic song ng palabas na Let It Go ni Idina Menzel.

“Elsa LET IT SNOW AY GO PALA HAHA. The cold never bothered me anyway (MAMATEY?!!) Ang lamig magpa-andar lang sa TikTok * YAN!!”

Tila natural lang kay Aiai na magpasaya sa mga tao, sapagkat sa comment section, mababasa na maraming natawa at natuwa sa kanyang ginawa.

Nagpahayag rin si Aiai ng pagmamahal at pasasalamat sa kanyang asawa, dahil sa kanyang all-out support, kung saan siya rin pala ang tao sa likod ng camera.

“Maraming salamat sa aking cameraman sa kanyang support at pagmamahal habang naka-jacket siya and kumpleto siya ng pang pa init hehe @geraldsibayan #goodvibesalways #paandar2022,” dagdag niya.

Ang Kapuso actor-athlete na si John Vic De Guzman ay na-entertained sa performance ng actress-comedien at nag-kumento pa siya ng “Happy new year, ate!! ALIW!!”

@msaiaidelasalas

O natupad din nyeta ang lamig hahahaha pero laban sa larangan ni elsa hahahahhaa

♬ Let It Go (From “Frozen”) – Movie Sounds Unlimited

(GMA Network)

Instagram