Dahil pagod na sa mga bashings si AJ Raval, at sangkot rin siya sa iba’t ibang mga controversy, nag-desisyon siya na mag-social media detox muna.

Sa isang virtual media call para sa kanyang latest na palabas mula sa Vivamax na Crush Kong Curly, si AJ, ay tinaguriang isa sa mga YouTube’s top breakout creators ng Pilipinas.

Dagdag pa nito, pangatlo si AJ sa country’s list of most-searched female personalities sa Google ngayong taon.

Pero, walang kaalam alam si AJ sa kanyang naging achievements.

“I’m happy and thankful for being included (in the list) but honestly, wala po akong balita sa social media. I only learned all of these from you,” sinabi ni AJ batay sa ulat ng PhilStar.

Wala siyang ideya sa mga balitang ito, dahil nag-desisyon siyang mag-social media detox.

At kahit nakikitang “active” siya sa social media, sinabi ni AJ na hindi siya ang nag-hahandle ng kanyang account, kundi ang kanyang administrator.

Bagama’t hindi niya ginawang opisyal ang kanyang hiatus sa social media, ginawa ito ng aktres dahil patuloy siyang binabash ng mga netizens matapos masangkot kamakailan sa mga kontrobersiya.

“I am tired of the bashings. I am even receiving death threats,” sabi niya.

“Meron mang pong galit sa akin, meron rin pong natutuwa kaya sobrang grateful at thankful ako sa mga boss (Viva execs) for the trust at lalo na sa mga fans na sumuporta sa akin,” sinabi ni AJ.

At kahit may mga misconceptions patungkol sa kanya, pinili na lang ni AJ na manahimik.

“Lumaki po ako sa pamilya ng mga lalaki, so one of the boys po talaga ko — barkada ko mga lalaki, mga kapatid ko halos lahat lalaki na kasabay ko pong lumaki, so sa part po na ‘yan, parang tine-take na negative ng mga tao.”

Ngunit, hindi niya inaasahan na magiging controversial siya nang maaga sa kanyang career, dahil dito, nagkaroon siya ng mental breakdown.

“There are so many people who are mad at me. Yes, I admit I’m affected by what’s happening, but as days went by, I realized that no matter how hard I’d try to explain, not everyone would understand my situation.”

“Whatever some people are thinking about me, I’ll just let them,” aniya..

“Some will still choose to twist the facts, so I’d rather not prove myself to them anymore. I know my worth and that’s the most important. Ayoko na umabot sa point na hindi ako makatulog o makakain because of the bashings.”

📷 Screengrab at Viva Records YOutube Channel

(PHILSTAR)

Instagram