Ibinahagi nina Andi Eigenmann at ng kanyang asawa na si Philmar Alipayo ang nangyari sa Siargao Island habang dumadaan doon ang bagyong Odette.

Lumipat noong 2017 sa Siargao Island si Andi kasama si Philmar at ang kanyang tatlong anak. Kahapon, tinamaan sila ng bagyo at sa mga oras na iyon, nagbibigay ng mga updates ang celebrity sa sitwasyon ng Isla.

Ayon sa PAGASA, nag-landfall ang bagyo sa Siargao Island mga bandang 5:00 pm kahapon.

Sa Instagram Stories ni Andi, ibinahagi niya na several hours ago, nawalan ng phone signal sa Isla, dahil dito, hindi nila ma-contact ang kanilang mga minamahal na nasa Isla.

📷 @andieigengirl Instagram

Ipinakita niya rin na palapit na ang alon sa mga inland establishments kahit low tide pa lamang at hindi pa dumadating ang bagyo sa Isla sa oras na pinost nila.

Pinatunayan rin ni Phil ang post ni Andi sa kanyang sariling Instagram account, nag-post siya ng isang video na nagpapakita na malakas ang hampas ng alon sa inland habang ang kumuha ng video na iyon ay tumatakbo paalis. Ibinahagi rin ni Phil ang mga larawan nang mga natumbang puno.

Sa kanilang mga post, humihingi rin ng mga dasal sina Andi at Phil para sa kaligtasan ng mga tao sa Siargao Island.

Nag-follow up naman si Andi at sinabi, kahit wala siya at ang kanyang pamilya sa isla sa mga oras na iyon, gusto na nilang bumalik upang makatulong sa Isla.

📷 @chepoxz Instagram

(GMA Network)

Instagram