Isang maagang pamasko ang natanggap ng isang random na netizen matapos siyang regaluhan ni Angel Locsin ng halagang P20,000 cash!

Nagsimula ang lahat nang ito dahil naramdaman ni Angel Locsin na “a bit insensitive” ang kanilang ginawang latest vlog patungkol sa paglalagay ng Christmas decorations sa kanilang bahay.

Sa isang mahabang post ni Angel sa Instagram, sinulat niya na, “So while we were making DIY Christmas decors on our last episode of The Angel and Neil Channel, event stylist Randy Lazaro shared that celebrating Christmas was not a tradition in their household growing up dahil sa hirap ng buhay nila before.”

“I admit I felt a bit insensitive. As we were decorating our home, there is someone who might not be able to celebrate Christmas this year,” dagdag pa niya.

Pero, nilinaw ni Angel na hindi niya ibig sabihin na huwag maghanda o mag-celebrate ng Pasko. Kaya, nais niyang tumulong para mag bigay tuwa at saya ngayong darating na kapaskuhan.

“Don’t get me wrong, I am not saying we shouldn’t celebrate or share our Christmas preparations. I’m a sucker for celebrations and I believe everyone should be rejoicing the birth of Jesus Christ. That is why I wanted to somehow help make someone else’s Christmas a bit merrier,” aniya.

“Na kahit isang pamilya lang, maramdaman nila ang diwa ng Pasko at maipaalala sa kanila na buhay ang Christmas miracle.”

Sinabi ni Angel na pinili niya ang lucky recipient ng cash gift mula sa mga taong nag-kumento at nagbahagi ng kanilang kwento sa kanyang vlog.

“And this person doesn’t need to be a subscriber. Just the first person na nabasa ko ang comment at kwento. And we found her,” sabi niya.

Tinapos niya ang post sa isang Merry Christmas wish para sa netizen.

“Maligayang Pasko sa ’yo, Jenalene Gaviola Dalloso of Cebu! Hiling namin ang mapasaya ka at makapag-celebrate kasama ng iyong mga mahal sa buhay!”

📷 @therealangellocsin Instagram

(ABS-CBN News)

Instagram