Ibinahagi ng celebrity couple na si Maine Mendoza at Arjo Atayde ang kanilang mensahe sa isa’t-isa sa selebrasyon ng kanilang ikatlong taon ng pag-iibigan nitong December 21.

Kasama sa Instagram ng dalawa ang mga larawan sa kanilang romantic date habang nasa yate.

“Life with you just keeps getting better. Happy 3rd Anniversary my bubba pie pie,” sulat sa caption ni Arjo sa Instagram.

“Happy third,” sey naman ni Maine sa kanyang simple caption with matching heart emoji.

Inulan ng pagbati ang dalawa mula sa kanilang mga kakilala, pamilya at kaibigan sa showbiz.

Narito ang mensahe ng ilan sa kanila.

Christine Babao: “Happy 3rd guys and here’s to infinity and beyond!!”

Sylvia Sanchez: “Happy Anniversary. Love u both”

Ria Atayde: “Happy you’re both happy. Happy anniversary, you two”

Instagram