Ipinagdiwang ng aktres na si Aubrey Miles ang kanyang ika-42 na kaarawan ngayong Marso 16, at bilang pag-marka ng espesyal na okasyon, nag-post siya ng daring at sexy na larawan sa kanyang social media.

Sa kanyang Instagram, buong pagmamalaking ibinahagi niya ang kanyang topless na larawan habang may hawak na champagne glass.

“My vibe ever since. When I reached my 40s, I suddenly realized that I have no shame and nothing to hide. What’s there to hide anyway?” sulat ni Aubrey batay sa ulat ng ABS-CBN News.

“I’m just sharing how much fun it is to have freedom that I choose for myself. I’m 42 now and how many more years do I wish to live? 30 or 42 more years? hmmm That’s why, I go for it! I try to live my life freely but with care. If that makes sense.”

Binati rin siya ng mga netizens habang pinupuri ang kanyang kagandahan at may ilang nagsasabi na hindi halata na nasa 40’s na si Aubrey at mukhang nasa 20’s pa lamang sya.

Samantala, binati din si Aubrey ng kanyang long-time partner na si Troy Montero sa pamamagitan ng isang Instagram post.

“Happy Birthday my Sweetness,” sabi niya.

May dalawang anak sina Aubrey at si Troy, na sina Hunter at Rocket. Mayroon rin siyang isa pang anak na si Maurie sa kanyang dating naging ka-relasyon.

(ABS-CBN)

Instagram