Nagbigay ng mga payo si Kapuso actress Bea Alonzo sa mga netizens na nakakaranas ng “break down” at pati na rin kung paano mag-handle ng pera.

Kamakailan, sa Instagram trend na ‘ask away,’ sinagot ni Bea ang mga katanungan ng ilang mga netizens. Dito, tila nag silbing isang life coach si Bea sa mga fans na humihingi ng mga payo.

“Advice to people that having a bad time or breaking down,” tanong ng isang IG follower ni Bea.

Buong puso namang sinagot ito ng aktres at sinabi niya, “Kaya mo ‘yan. It’ll all get better. Just have faith. It might not be easy now, but I promise you, one day, you will look back, and you will make yourself proud that you were able to overcome all the obstacles. There’s always a rainbow after the rain.”

May isa ring nagtanong kay Bea kung paano maging mas responsable at disiplinado pagdating sa paghahawak ng pera.

Payo ni Bea, “Never live beyond your means. I mean, it’s good to reward yourself once in a while, but I think that the necessities should be a priority. And always save for the rainy days. Invest wisely.”

Dagdag niya rin na ang mga luxury at mamahaling gamit, hindi yan nawawala, ngunit mas masarap daw sa pakiramdam kung mabibili mo ito nang walang iniisip na bayarin pagkatapos.

“Luxury will always be there, and it will feel way better to enjoy it without having to worry about your next credit card bill,” aniya.

📷 @beaalonzo Instagram

(GMA Network)

Instagram