Matapos ang ilang taon ng hindi pagkakasunduan, all is well na ang magkapatid na sina Claudine at Marjorie Barretto, habang binigyan ng tila ultimatum ni Mark Anthony Fernandez si Claudine sa kanilang relationship.

Sa isang virtual press con ng “Deception,” bagong movie ni Claudine kasama si Mark, ibinahagi niya na nag-reconcile na silang dalawa ni Marjorie at magkasamang nilang ipinag-diwang ang New Year’s Eve.

“Best new year of my life talaga, kasi finally nakasama ko ulit ang sister ko, ang mga nieces ko and pamangkin. Noon lang kami nagkasama-sama ulit since nga ng gulo during wake ni dad two years ago. I’m sure our dad is happy seeing us together. Masaya, masaya,” ibinahagi ni Claudine, batay sa ulat ng PhilStar.

Ang “Deception,” ang reunion movie ni Claudine kasama ang kanyang ex-boyfriend at former love team partner na si Mark.

Nang tanungin kung mag-rereconcile silang dalawa, nagbigay ng tila ulimatum si Mark kay Claudine at sinabing:

“Posibleng magkabalikan kung mangyayari in the next three or four years. Pero kapag lumagpas na doon, parang imposible na, ‘yun lang ang iniisip ko. Kapag hindi kami nagka-loving-loving in the next three years, wala nang mangyayaring ganoon, co-actors na lang kami,” aniya.

“Pero kapag in the next three years or four years, nagka-jelling-jelling kami, puwede. Pero beyond that, hindi na ako aasa pa.”

Ibinahagi rin nila kung ano ang pakiramdam nila na magkasama muli sa isang trabaho.

“Ang gustung-gusto ko kay Claudine, naging independent woman siya, ‘yun ang napansin ko,” sabi ni Mark.

“Working with Mark is very easy, and we really have a good rapport,” sabi naman ni Claudine.

Ito rin ang movie comeback ni Claudine matapos ang kanyang six-year break sa acting.

📷 @claubarretto Instagram

(PhilStar)

Instagram