Di maikakaila na ang ating tinaguriang concert queen Pops Fernandez ay nananatiling classy and sexy sa edad niyang 54!

At di na rin nakapag tataka na marami rin siyang gwapong naging ka-partner.

Huwag nating kalimutan na si concert King Martin Nievera ang kanyang ex-husband. Kabilang sa mga old flames sina Jomari Yllana at Brad Turvey. Idagdag natin sa listahan ang mga heartthrobs sina Aga Muhlach and Piolo Pascual.

Sa kanyang You Tube channel, mapapanood na nagkatuwaan ang magkakaibigang Joy Ortega, Lara Melissa de Leon and Toni Abad sa paglalaro ng “Jojowain,Totropahin,Dededmahin o Dadakmain Challenge”

Kabilang sa mga nabanggit na pangalan sa challenge ay sina Gabby Cocepcion, Dingdong Dantes, Christopher de Leon, Coco Martin, Derek Ramsay, Dennis Trillo, Luis Manzano at Xian Lim. Pero nang lumabas si Piolo sa screen, sumagot si Pops na “jojowain.”

“Na-jowa ko na siya so Jojowain.Jowa lang,ha?” sabi ni Pops.

Pagdating naman kay Aga, ang kanyang sagot ay “totropahin”.

“Nasa listahan, wala akong choice,”

“Totropahin.Hindi nga, friends. Bakit? Ex ko na sya so friends na tayo,” aniya.

Dagdag pa ni Pops ” Well, all I can say is honesty can be achieved with a glass of champagne! We were laughing so hard during the shoot. Remember, this is just for fun and we are just sharing our crazy moments with you! Enjoy everyone.”

📷 @popsfernandezofficial Instagram

(Manila Bulletin)

Instagram