Inalmahan ni Cristy Fermin ang umano’y paghahagis ng pera ng kampo ni Sen. Manny Pacquiao

Sa episode ng ‘Cristy Ferminute’ shoe may komento ang veteran columnist sa pag ikot-ikot ni Manny sa iba’t-ibang parte ng bansa.

Aniya pa, ang perang Pilipino ay hindi dapat inihahagis.

“Hindi ko gusto yung naghahagis ng pera..Irespeto natin ang perang Pilipino. Una social distancing. Hindi po pupuwedeng inihahagis ang pera, iniaabot po ang pera,” saad ng kolumnista.

Maalalang nag trending na naman si Cristy Fermin matapos itong magbigay ng komento sa nag-viral na pangba-body shame ng isang netizen kay Nadine Lustre.

“E ikaw, hitad ka. Ayaw mo magdamit, di ba? Pasyo ka nang pasyo kahit saan, kahit bibili ka lang ng sarsa ng lechon, nakaano (two piece) ka lang, kitang kita [ang] katawan mo,” komento ni Fermin kay Nadine.

Via: Kami

Instagram