Todo suporta at ang saya ni Kathryn Bernardo nang magwagi ng Jury Prize Award ang kanyang partner na si Daniel Padilla sa Metro Manila Film Festival’s “Gabi ng Parangal” kahapon.

Nakakuha ng pitong awards ang movie nila Daniel na “Kun Maupay Man It Panahon (Whether the weather is Fine”) ni Carlo Francisco Manatad.

Bago ang awarding ceremony, nagtanong pa si Kathryn sa kanyang mga followers sa Twitter kung saan siya maaring makapanood ng stream ng MMF awards online.

Kitang-kita dito na suportado ni Kathryn ang kanyang boyfriend every step of way.

“Where can I watch the MMFF awards night live? Send me the link please (white heart emoji),” aniya.

Nahirapan kasi ang aktres na ma-acess ang Facebook livestream link.

Isa sa kanyang mga fans ay nagbahagi ng link sa isang Facebook page ng Star Cinema.

Nagpasalamat naman si Kathryn sa nagbigay ng link.

Matapos ianunsyo ang mga nanalo, agad agad ibinahagi ni Kathryn ang poster mula sa Black Sheep Productions, ang film studio na naglabas ng drama film ni Manatad.

Ibinahagi niya ito sa kanyang Instagram stories na may capion: “Congratulations, love!”

Kalaunan ay muling ibinahagi ito ni Daniel sa kanyang sariling Instagram Story.

Ang iba pang awards na napalanunan ng “Kun Maupay Man It Panahon” (Whether the Weather is Fine) ay:

  • Second Best Picture
  • Best Visual Effects
  • Best Production Design
  • Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural award
  • Best Actress for Charo Santos-Concio
  • Best Actress in a Supporting Role for Rans Rifol

📷 @bernardokath Instagram

(Interaksyon)

Instagram