Balak ng bagong kasal na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna na mag-honeymoon sa Africa.

Dagdag pa ng celebrity couple, gusto rin pala nilang mag-Europe.

Ito ang sinabi ng Derek nang tinanong ito sa radio program sa DZRH.

Inamin din ng aktor na mas gusto pala ng asawa niya na mas mahaba ang buhok.

“Mas gusto ni Ellen na may buhok ako. Retired na yung kalbo look,” lahad ni Derek.

Inaasahang back to work na ang aktor next year para sa isang international film.

Aniya pa, payag naman daw siya na magbalik si Ellen sa pag-aartista.

(with reports from PEP.ph)

Instagram