Sa isang bihirang pangyayari, nag-post ang hunk aktor na si Dominic Roque ng isang sweet photo nilang dalawa ni Bea Alonzo. Sweetness overload talaga!

Ibinahagi ni Dominic sa kanyang Instagram ang isang larawan na nagpapakita na hinalikan niya si Bea sa kanyang cheek.

At sinulat ni Dominic sa caption, “2021 ❤️.”

Simple lamang ang larawan, pero punong-puno ito ng emosyon. Kitang-kita sa kanilang expression kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa.

Ito siguro ang sinasabi nilang, one picture, a thousand of emotions.

Samantala, nag-react naman agad ang Kapuso aktress sa nasabing post at nagkumento siya ng: “best blessing ❤️.”

Habang nireplayan rin ito ni Dominic ng: “@beaalonzo same 😍 i love you…”

Mapapa-sana all ka na lang sweetness nilang dalawa.

At sana nga, nakita na ni Dominic at Bea sa isa’t-isa na ito na ang kanilang “The one and only.”

Noong Agosto kinumpirma ni Bea ang special relations nila ni Dominic.

At bago iyon, nagkaroon sila ng month-long trip abroad kung saan nag food at road spins sila.

Truly, hindi magiging malamig ang Pasko ng sweet couples.

Instagram