Ginulat ng celebrity couple na McLisse ang kanilang mga fans nang aminin na mayroon na silang baby girl na pinangalanan nilang Felize.

Inamin ito ni Elisse Joson at McCoy de Leon sa kanilang TV guesting sa Pinoy Big Brother (PBB): Kumunity Season 10 nitong Linggo.

Unang sinabi ni McCoy kay “Big Brother” na masayang-masaya sila ngayon at pumasok sila sa isang
jewelry business para makatulong sa pamilya in the future.

Pagkatapos ay inalok ni McCoy si Kuya na maging ninong ng kanilang baby girl, “Kuya, pwede po ba namin kayong gawin ninong as anak namin?”

Doon na inamin ni Elisse na mayroon na silang anak, “Kami po ni McCoy, meron po kaming isang napakagandang at napakabait na baby girl.”

Kahit raw imposible na makita nila si Kuya in person ay nagdesisyon sila na kunin itong ninong dahl tinitingala nila ito.

“Alam namin na impossible na makita ka pero gusto ka namin tingalain bilang isang ninong, bilang isang godparent na punong puno ng wisdom kaya naisip po namin lumapit sa inyo,” lahat ni McCoy.

Malaki rin ang pasasalamat ng dalawa dahit dito nagsimula ang kanilang pagmamahalan.

“Naisip po namin, dito po kami nagsimula sa bahay ninyo,” ani McCoy. “Alam namin di expected pero itong programa ang nagtadhana sa sa amin patungo dito, na may family na kami.”

Inilawaran naman ni Elisse ang kanyang anak bilang kanilang lucky charm at greatest blessing.

Ngayon, ramdam na daw ng aktres ang sarap ng pagiging isang ina.

“Kapag naririnig ko po yung word na mother, ngayon iba na po talaga sa feeling. Iba yung pakiramdam na bilang anak ka lang. Ngayon iba na po yung tungkulin, iba na yung saya sa pagiging ina. Ngayon ramdam ko na po yung hirap, yung sarap, yung saya ng pagiging ina.”

 
View this post on Instagram
 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

Hindi naman binanggit ng dalawa kung kailan ipiannganak si Felize pero nagbigay sila ng hint ng kanilang pagbalikan noong August 2020.

Magugunitang, unang nagkakilala si Elisse, 25 at McCoy, 26, sa loob ng PBB house noong 2016 at naging reel-to-real love team.

Instagram