Ipinamalas ni Ellen Adarna ang kanyang sexy figure sa social media na nakakuha ng atensyon ng kanyang milyun-milyong fans.

Ngayong Huwebes, ibinahagi ng aktres sa Instagram ang kanyang topless na larawan na siya mismo ang kumuha sa harap ng salamin, habang ibinabahagi ang kanyang bagong food diet.

“5th day progress on @xmealph once a day meal replacement diet,” sulat ni Ellen sa caption, batay sa ulat ng ABS-CBN News.

Sinabi ng aktress na sinisikap niyang i-balance lahat ng kanyang kinakain noong siya’y nagbabakasyon.

“Kinareer ko na guys to balance out everything I ate when I was on vacation 😅” aniya.

Maraming netizens kabilang si aktres Isabelle Daza ang pumuri sa magandang at sexy figure ni Ellen.

“Grabe naman,” kumento ni Daza.

Nitong buwan, nag-honeymoon trip sina Ellen kasama ang kanyang asawa si Derek Ramsay sa Tanzania, Africa.

“We almost missed our flight back home. But, survived this trip with lots of love, kisses, laughter, zero arguments, and a sh*t load of insect bites. I love you,” sinabi niya kay Derek.

Pumunta sila ng Africa kasama ang anak ni Ellen na si Elias Modesto para sa kanyang matagal nang pinaka hihintay na honeymoon.

Ikinisal sina Ellen at Derek sa Bagac, Bataan noong Nobyembre, siyam na buwan matapos nilang ikumpirma ang kanilang relationship sa publiko.

(ABS-CBN)

Instagram