Congratulations to the lovely couple! Engage na si Miss Universe Philippines 2021 2nd runner-up Steffi Aberasturi sa kanyang boyfriend na si Karl Arcenas.

Batay sa kanyang Instagram stories, nag-propose si Karl kay Steffi noong weekend habang nag-cecelebrate sila ng kaarawan ni Karl.

Blossoming si Steffi sa mga larawan na kanyang ibinahagi, kung saan naka-suot siya ng white floor-length summer dress.

Pinost niya rin ang larawan ng kanyang sparkly diamond ring, at naglagay pa siya ng caption na “maluwag” daw ito.

Nasa road to forever na ang dalawang magkasintahan, the beginning of a new life.

Good luck and once again Congratulations!

Si Steffi Aberasturi ng Cebu Province ang kinorona bilang second runner-up sa Miss Universe Philippines 2021 pageant noong September 2021.

📷 @steffiaberasturi Instagram

(GMA Network)

Instagram