Nagtataka ang mga netizens sa status quo ng friendship nila Andrea Brillantes at Francine Diaz matapos i-unfollow ng dalawa ang isa’t-isa sa Instagram.

Napansin ng mga “eagle-eyed” fans na hindi na nag-follow sa isa’t isa sa Instagram ang mga young actresses. Dahil dito, nag-trending ang kanilang pangalan sa Twitter.

Sina Andrea at Francine ay bahagi ng Gold Squad Members kasama sina Seth Fedelin at Kyle Echarri, kung saan nabuo ang kanilang grupo noong 2018 during sa showing ng drama ng “Kadenang Ginto.”

Ang ka-love team ni Andrea ay si Seth, kilala sila bilang “SethDrea,” habang ang pairing nina Francine at Echarri ay kilala bilang “KyCine.”

Nag-unfollow sa social media ang dalawang magkaibigan sa gitna ng pagkalat ng isang larawan na nagpapakita na magkasama sina Francine, Seth at pamilya ng aktres.

Around the same time, may ibinahaging cryptic clip sa TikTok si Andrea, kung saan nag-quote siya ng lyrics mula sa kanta ni Selena Gomez na “Lose You To Love Me,”

In particular, “I gave my all and they all know it. You turned me down and now it’s showing. In two months, you replaced us. Like it was easy. Made me think I deserved it.”

Coincidence? Wala pang tunay na nakakaalam.

(ABS-CBN)

Instagram