Heart Evangelista, ipinaliwanag kung bakit si Chiz Escudero ang kanyang pinili at ipinaglaban sa lahat ng kanyang naging ka relasyon.

Sa isang TikTok video, ibinahagi ni Heart kung paano niya nalamang si Chiz ang tamang partner para sa kanya at paano nalagpasan ng kanilang pagmamahalan ang mga trials sa buhay.

Habang kinikilig, inamin ni Heart na simula pa noong 2007 may crush na siya agad kay Chiz nang makita niya ito sa isang La Union pageant, at simula nun, hindi na niya ito nakalimutan.

“I just thought that he has this sort of gravitas. He was so dignified, and so calm… he was like an encyclopedia. He was nice, he was smart, he was so romantic, eventually,” sabi ni Heart.

“I met a lot of wonderful people, but I just met somebody greater than all of them and I felt that I think this time around I should fight for him,” dagdag niya.

Pero, noong “nagkagulo” na raw lahat dahil hindi suportado ng kanyang magulang ang kanilang pagmamahalan, at bumaba ang kanyang self-esteem, sinabi niya kay Chiz na “cool down muna sila.”

Ngunit, sabi ni Heart na ipinaglaban ni Chiz ang kanilang relasyon at pinili niya ring manatili sa piling ni Heart kahit marami ang hindi sumasang-ayon sa kanilang pagsasama.

“Surprisingly, he did something that I couldn’t imagine…especially it was election time. People were telling him, break up na, but yeah, he fought for me,” kwento niya.

“It was the first time anyone did that for me, and he wanted me to be in his life, no matter what, kahit na mahirap–okay lang.”

Sa huli, sinabi ni Heart, “And–grabe…mawala na lahat, ‘wag lang ako.”

In-upload ang video bilang kasagutan sa katanungan ng fan.

@lme85 Reply to @_papited ♬ original sound – Heart Evangelista

(GMA Network)

Instagram