Nilinaw na ni Heaven Peralejo ang kumakalat na chika online na magkarelasyon sila ni singer-vlogger Kimpoy Feliciano.

Sa vlog ni Darla Sauler, tinuldukan na ng aktres ang mga haka-haka tungkol sa kanilang dalawa.

“Hindi, hindi talaga, as in. ‘Di ba, kapag kunyari yung friend mo, ‘Uy beh,’ ganu’n? Pero kami ni Kimpoy, we are very best friends,” saad ni Heaven.

“Ano talaga, single ako pero not ready to mingle. Yung kay Kimpoy, guys, masaya lang din na nagkaroon din talaga ako ng kaibigan sa showbiz.

Yun yung parang thankful kami sa isa’t isa na finally nakahanap ka rin ng kaibigan talaga na lumalabas kahit hindi magkasama sa work,” pahayag pa ng dalaga.

Giit pa ni Heaven, ang pagmamahalan nila ni Kimpoy ay hanggang best friends lang.

“So, yung amin talaga ni Kimpoy, yung pagmamahalan namin, e, hanggang best friends lang, guys, okay? Masanay na kayong may kaibigan akong lalaki.”

“Guys alam mo, magpahinga rin kayo, okay? Magpahinga kayo sa kaka-bash sa akin. Sabi ko nga sa inyo, single ako pero not ready to mingle,” lahad pa ng aktres.

(Source: Bandera)

Instagram